
Pinaiiwas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang fisherfolks at mariners sa maritime areas sa Northern Luzon.
Ito ay dahil sa posibleng debris na bumagsak mula sa foreign rocket launch sa June 23, 2026.
Tinukoy ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang anila’y planong pagpapakawala ng People’s Republic of China ng Long March 7A rocket mula aa Wenchang Space Launch Site sa Hainan sa pagitan ng 10:02AM at 11:04AM (Philippine Standard Time) sa nasabing petsa.
Ayon sa PCG, inaasahang babagsak ang rocket sa identified drop zones sa coasts ng Ilocos Norte at Cagayan.
Nagpatupad na rin ang PCG ng temporary maritime restrictions sa mga apektadong lugar at hinihimok ang mga maliliit na craft operators na manatili sa designated zones sa oras ng pagpapakawala ng China ng rocket.
Nagbabala rin ang PCG sa publiko na huwag lalapitan ang suspected rocket debris na kanilang marerekober sa karagatan dahil sa taglay nitong safety hazards.










