Pagpapatibay pa ng samahan ng Japan Maritime Defense Force at Philippine Navy, muling napag-usapan

47

Nagpulong si Philippine Navy (PN) Flag Officer in Command Vice Admiral Adeluis Bordado at Japanese Maritime Self Defense Force (JMSDF) Plans and Policy Division Director Captain Takuo Kobayashi sa pagbisita ni Captain Kobayashi sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.

Ang pagbisita ni Captain Kobayashi ay kaugnay ng ika-anim na PN-JMSDF Staff-to-Staff Talks (STST) na isinasagawa sa Maynila.

Napag-usapan ng dalawang opisyal ang modernisasyon ng Phil. Navy, at mga plano para sa isasagawang Western Pacific Naval Symposium (WPNS) ngayong taon.


Matatandaan na ang Philippine Navy ang nag-host ng huling WPNS noong Oktubre ng nakaraang taon.

Pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang mga plano para sa pinaigting na kooperasyon at pagsasanay ng dalawang navy.

Facebook Comments