Kung si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang tatanungin, wala itong nakikitang masama kung papayagan na iuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.
Para kay dela Rosa, maaaring payagan na maibalik sa bansa ang bangkay ni Sison dahil ito naman ay Pilipino at bilang humanitarian consideration na rin sa kanyang pamilya.
Ipinaalala rin ng senador na nanirahan si Sison sa Netherlands dahil nag-self-exile ito at hindi dahil sa gobyerno.
Naniniwala naman si dela Rosa na tiyak na mahihirapan ang papalit kay Sison sa CPP para ipagpatuloy ang aniya’y fake cause ng samahan.
Patuloy din aniyang humihina ang mga makakaliwang grupo dahil marami na sa mga barangay ang cleared o nalinis na mula sa kanilang mga impluwensya.