Pagpupugay sa Quirino Grandstand, magpapatuloy hanggang mamayang gabi

Magpapatuloy ang pila ng Pagpupugay sa Quirino Grandstand hanggang bago maghating gabi mamaya.

Ito ay ayon sa pamunuan ng Minor Basilica of Black Nazarene o ng Quiapo Church.

Tuloy-tuloy ang paghawak o pagpunas sa imahe ng Poong Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand hanggang sa huling misa sa Quiapo Church ng alas-11:00 ng gabi.


Ang lahat ng nagsisimba sa Quiapo Church na nais makiisa sa Pagpupugay ay hinikayat naman na magtungo sa Grandstand.

Ang Pagpupugay ay kapalit ng dating nakasanayan na ‘Pahalik’ ngunit dahil sa gitna ng COVID-19 ay may ilang mga pagbabago sa mga patakaran para sa selebrasyon ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Sa mga oras na ito ay nagpapatuloy pa rin ang pagdating ng mga deboto sa Grandstand maging sa Quiapo Church.

Naging organisado naman ang pagpasok at paglabas ng mga deboto na maaari lamang dumaan sa mga itinalagang entrance at exit points.

Todo-bantay pa rin ang mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) at iba pang volunteers at personnel mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa seguridad ng bawat deboto.

Facebook Comments