PAGSASANAY PARA SA ECCD ASSESSMENT TEAM, ISINAGAWA ALAMINOS CITY

Isinagawa , kahapon, Mayo 7, ang isang capacity building activity para sa Internal Assessment Team kaugnay ng pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development o ECCD programs sa Alaminos City.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa tamang proseso ng pagpaparehistro, pagbibigay ng permit, at pagkilala sa mga Child Development at Learning Centers para sa mga batang hanggang apat na taong gulang.

Pinangunahan ang aktibidad ng City Social Welfare and Development Office katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kalidad ng serbisyong pangkabataan sa lungsod.

Inaasahang mas mapapabuti ang pagpapatupad ng mga programang ECCD upang matiyak ang maayos na pag-aalaga at pag-unlad ng mga batang benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments