Kinilala ang dagupan city bilang isa sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng maayos na pagpapatupad ng Universal health care (uhc) sa ginanap na “Achieving a resilient health system: the regional Universal health care and purokalusugan summit” sa san Fernando city, la union noong may 21, 2026.
Pinangunahan ng ilocos center for health development ang pagtitipon ng mga health leaders, local chief executives, national government agencies, at iba pang partner organizations upang talakayin ang pagpapalakas ng health system sa rehiyon.
Dumalo sa naturang summit ang mga gobernador sa region 1, mga opisyal ng department of health, philhealth, department of the interior and local government, commission on audit, at iba pang health stakeholders, kasama ang mga lokal na opisyal mula sa pangasinan.
Kabilang sa mga highlight ng aktibidad ang signing of the tripartite memorandum of understanding on uhc integration at ang pledge of commitment para sa purokalusugan program, na layuning palakasin ang access sa serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Isa ang dagupan city sa mga lokal na pamahalaan na kinilala sa pagpapalawak ng health services at pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa antas ng lungsod, kasabay ng pagtitiyak na mas mapalapit ang serbisyo sa mga residente.
Dumalo si belen t. Fernandez kasama ang mga health officials ng lungsod na tumanggap ng pagkilala bilang bahagi ng uhc integration site.
Ayon sa mga opisyal, patuloy ang pagpapalakas ng kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan at national agencies upang mapaunlad ang healthcare system sa region 1, na tinutuon ang mas inclusive at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










