
Arestado ang 24 na Chinese Nationals sa isinagawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) katuwang ng 10th Infantry (Agila) Division, Philippine Army sa Barangay New Little Panay, Panabo City, Davao del Norte.
Nag-ugat ang nasabing operasyon mula sa isang intelligence report kaugnay ng presensya ng nasa 27 na dayuhan, kung saan 24 rito ay sangkot sa umano’y unauthorized employment at kwestyonableng immigration documents.
Napag-alaman rin ng mga awtoridad na ang ilan sa mga nasabing indibidwal ay nagtratrabaho sa kumpanya na iba sa nakapetisyon sa kanilang mga visas habang ang ilan ay nakakapagtrabaho gamit ang tourist visa na wala pang kaukulang work permits.
Kasalukuyang nakadetained ang mga nasabing dayuhan sa Tri-Shining International Oil Corporation/Kunheting Corporation sa nasabing lugar para sa inisyal na pagproseso at dokumentasyon ng mga awtoridad.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang iba pang indibidwal na sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad.










