Pagtaas ng mainit na volcanic liquid sa Bulkang Taal, nananatili – PHIVOLCS

Photo Courtesy: PHIVOLCS

Nananatili pa rin ang pagtaas ng mainit na volcanic liquid sa main crater lake ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapag-generate ang bulkan ng 3,945 tonelada ng sulfur dioxide kahapon, August 13.

Bukod sa mainit na likido, naobserbahan din sa paligid ng bulkan ang volcanic smog o vog.


Nagbuga rin ang Bulkang Taal ng usok na may taas na 2,100 meters bago pinadpad ng hangin pa-Timog at Timog-kanluran.

Ayon pa PHIVOLCS, mayroong “slight inflation” sa Taal Volcano Island at Western Taal Caldera habang “deflation” naman ang naobserbahan sa Eastern Taal Caldera.

Wala namang naitalang pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan.

Facebook Comments