
Inaaksyunan na ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan dahil sa African Swine Fever o ASF.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinutugunan na ng Department of Agriculture (DA) ang problema sa pamamagitan ng repopulation program at paggamit ng bakuna kontra ASF para maibalik ang produksiyon ng baboy sa mga apektadong lugar.
Naglaan na rin ng pondo ang kagawaran para sa pagbili ng mga alagang hayop at mga breeder habang isinusulong ang bakunahan.
Samantala, sa ngayon ay wala namang price control na ipinatutupad ang DA sa kabila ng pagtaas ng presyo.
Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan kung paano babalensihin na hindi malulugi ang mga nag-aalaga ng baboy habang pinoprotektahan ang interes ng mga mamimili.
Facebook Comments