Thursday, November 26, 2026

PAGPAPALAKAS NG PANGANGALAGA SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK, TINALAKAY SA PAGPUPULONG SA ALAMINOS CITY

Tinalakay ang mga hakbang at mahahalagang usapin para sa pangangalaga at proteksyon ng likas na yaman ng Hundred Islands National Park sa isinagawang pagpupulong ng Hundred Islands National Park Protected Area Management Board Technical Working Group o HINP-PAMB TWG noong November 25, 2026.

Layunin ng pagpupulong na pag-usapan ang mga programa at hakbang na makatutulong sa pagpapanatili ng likas na yaman ng parke, gayundin ang pagsusulong ng maayos at napapanatiling pamamahala nito.

Patuloy naman ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensya at stakeholders upang matiyak ang pangangalaga sa kalikasan at maprotektahan ang isa sa mga pangunahing yaman at ipinagmamalaki ng lungsod ng Alaminos.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, inaasahang higit pang mapagtitibay ang mga hakbang tungo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kagandahan ng Hundred Islands National Park para sa susunod na mga henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments