Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agarang pagsasagawa ng dredging sa Cagayan River at pagtatanim ng 200 million tree seedlings sa low-lying agricultural areas sa Cagayan.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sa paraang ito maiiwasan ang matinding pagbabaha sa lalawigan.
Patuloy din ang pagsasagawa ng reforestation activities sa Cagayan sa pamamagitan ng Enhanced National Greening Program (ENGP) kung saan nakatuon sa mga mataas na lugar.
Sinabi ni Cimatu, ang mga low-lying agricultural areas, kabilang ang privately-owned lands ay dapat sakop ng programa.
Ang lakas at dalas ng mga bagyo at hindi inaasahang dalang ulan ay bunga ng climate change.
Aprubado na rin niya an hiling ni Cagayan Governor Manuel Mamba na magsagawa ng dredging sa Cagayan River sakop ang 30 kilometro.
Mareresolba aniya nito ang constricted section o makipot na bahagi ng ilog na tinatawag na Magamit Narrows sakop ang mga bayan ng Alcala, Lal-lo at Gattaran.