Wednesday, September 2, 2026

𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY – Patay ang isang 45-anyos na construction worker matapos makuryente sa isang construction site sa Barangay San Fermin, Cauayan City noong ika-31 ng Agosto.

Kinilala ang biktima na si alyas “Jonas”, 45-anyos, at residente ng Brgy. Bonifacio, Angadanan,Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Component Police Station, nasa ikatlong palapag ng gusali ang biktima at kasalukuyang tinatanggal ang clamp ng isang tubo mula sa scaffolding nang aksidenteng sumagi ang tubo sa isang electrical wire.

Dahil dito, nakuryente ang biktima at nagtamo ng burn injuries bago tuluyang mahulog.

Agad namang rumesponde ang Rescue 922 upang dalhin sa pagamutan ngunit kalaunan ay idineklara din ang biktima na dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Facebook Comments