Pakikipagtulungan sa Interpol, legal na obligasyon ng PNP

Iginiit ni House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City na bahagi ng legal na obligasyon ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipagtulungan nito sa International Criminal Police Organization o Interpol at pagsuko ng soberanya ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay binigyang diin ni Zamora na tama ang pagtulong ng Pambansang Pulisya sa Interpol sa pagsilbi ng warrant of arrest kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).

Sabi ni Zamora, ganito rin ang dapat gawin ng PNP sakaling ipaaresto na rin ng ICC si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kapwa akusado ni dating Pangulong Duterte sa kasong crimes against humanity.

Paliwanag ni Zamora, nananatiling epektibo ang mga pandaigdigang legal na obligasyon ng Pilipinas kahit pa umalis na ang bansa sa Rome Statute noong 2019.

Paalala pa ni Zamora, walang sinuman ang dapat ituring na higit sa batas kaya dapat hayaan ang korte na magpasya base sa ebidensya, hindi sa ingay ng pulitika.

Facebook Comments