
Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court Branch 26 ang arraigment ng kaso nina Charlie Dungo head ng Department of Tourism, Culture and Arts Manila (DTCAM) at administrative officer na si Robert Steven Principe dahil sa kasong paglabag sa anti graft law.
Ni-reset ang pagbasa ng sakdal sa dalawa dahil sa masama ang pakiramdam ng hukom na may hawak ng kaso.
Ang dalawa ay kinasuhan nang paglabag sa anti graft and corrupt practices act na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy .
Ayon sa abogado ni Villaseñor na si Atty. Ej Labro, kumpiyansa sila na makukuha ang hustisya lalo na’t matibay ang mga ebidensiyang naipakita nila sa Korte.
Tiwala rin sila na kakatigan ng korte ang nararapat na desisyon para kay Villaseñor lalo na’t isinantabi nila ito at hindi binigyam ng kaukulang sweldo.
Tumanggi naman ang kampo ni Dungo na magbigay ng pahayag kung saan una na silang nag-piyansa hinggil sa kasong kinakaharap.