Saturday, April 25, 2026

Palasyo, duda sa claim ni VP Sara na malinis ang rekord at assets

Kinuwestiyon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Sara Duterte na malinis ang kanyang service record at lehitimo ang pinagmulan ng kanyang mga ari-arian.

Ayon kay Castro, kung wala umanong dapat ikabahala ang Bise Presidente, bakit hindi ito humaharap sa pagdinig ng House Committee on Justice upang sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya.

Sa halip na dumalo sa hearing, pinipilit umano ng kampo ni Duterte na ipa-technical at mapatigil ang pagdinig.

Kinuwestiyon din ni Castro ang ginawang press conference ng kampo ng Bise Presidente sa pangunguna ni Michael Poa.

Aniya, mas mainam sana kung sa hearing na lamang humarap si Duterte, lalo’t marami naman umano itong abogado na maaaring gumabay sa kanya.

Facebook Comments