
Nasamsam ng mga otoridad ang nasa ₱784 milyong halaga ng iligal na sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Negros Occidental.
Kung saan 15 manggagawa na kinabibilangan ng isang menor-de-edad ang nasagip at ngayon ay nasa protective custody.
Habang 10 Chinese nationals naman ang naaresto at ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG Region 6.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang dalawang production site sa Negros Occidental na nagsasagawa ng large-scale illegal cigarette manufacturing operations.
Sa Bacolod City ang naging imbakan ng nasabing mga iligal na sigarilyo habang sa Bago City naman isinasagawa ang produksyon.
Samantala, isang aktibong police major na umano’y sangkot at pumoprotekta sa operasyon ang nasa kustodiya na rin at iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Kaugnay nito, nahaharap naman sa mga kaukulang kaso ang nasabing mga naarestong indibidwal.










