Saturday, April 25, 2026

DOE at PNOC, nakakuha ng karagdagang 21,000 metric tons ng LPG mula US

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na nakakuha sila, kasama ang Philippine National Oil Company (PNOC), ng karagdagang suplay na 21,000 metric tons ng LPG.

Ayon sa DOE, inangkat ang naturang suplay mula sa United States at inaasahang darating ang shipment sa Batangas sa pagitan ng May 20 hanggang 31.

Inihayag ng DOE na malaking tulong ito upang madagdagan ang inventory ng bansa.

Tiniyak naman ng Energy Department na patuloy silang naghahanap ng iba pang mapagkukunan ng LPG upang mapatatag ang suplay nito sa bansa.

Facebook Comments