Tuesday, April 21, 2026

Vlogger na nag viral sa reckless at distracted driving, ni-revoked ng LTO ang lisensya

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang ang driver’s license ng vlogger na si Ishi Lee sa nag viral video sa social media kung saan makikita siyang nagmamaneho habang may hawak na recording device at kinukuhanan ang sarili habang umaandar ang sasakyan.

Dahil dito, nauna nang naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan at sa driver.

Gayunman, kapwa nabigong dumalo sa itinakdang pagdinig o magsumite ng anumang paliwanag, kaya’t itinuloy ng ahensya ang pagresolba sa kaso.

Sa kabila ng naunang desisyon na nagbabawal sa vlogger na magmaneho, lumabas sa mga ulat na patuloy pa rin siyang nagmamaneho ng sasakyan, na nagdulot ng paglabag sa naturang kautusan ng LTO at karagdagang kaso ng driving without a valid driver’s license.

Dahil dito, isang Supplemental Order na may petsang 20 Abril 2026 ang nilabas ng LTO laban sa vlogger patungkol sa iba’t ibang paglabag kabilang ang reckless driving, driving without a valid driver’s license, anti-distracted driving sa ilalim ng Republic Act No. 10913, at pagiging improper person to operate a motor vehicle sa ilalim ng Republic Act No. 4136.

Dahil dito, pinatawan ng LTO ang vlogger ng kaukulang multa at binawi rin ang kanyang driver’s license. Pinatawan rin siya ng dalawang (2) taong diskwalipikasyon sa muling pag-aaplay ng lisensya.

Samantala, ang motorsiklo ay in-impound at mananatiling naka-impound hanggang sa makumpleto ang kinakailangang rehistro at mabayaran ang kaukulang multa at parusa.

Facebook Comments