
Inilunsad ng pamahalaan ang CHED-TANAW, ang bagong data platform ng Commission on Higher Education na magbibigay ng malinaw at pinagsama-samang impormasyon tungkol sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Sa pamamagitan ng CHED-TANAW, madaling makikita ang datos sa enrollment, scholarships, at trabaho ng mga nagtapos, upang makatulong sa mga estudyante sa pagpili ng lehitimo at kinikilalang paaralan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layon ng platform na palakasin ang transparency at pananagutan sa sektor ng edukasyon.
Nagbigay rin ng pagkilala ang Pangulo sa mga guro, lalo na sa mga bagong na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression, at hinimok silang ipagpatuloy ang paggabay sa kaalaman at asal ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, hinikayat niya ang mga estudyante na samantalahin ang mga bagong oportunidad sa edukasyon na inilulunsad ng pamahalaan.










