Kumpiyansa si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na matatapos na ang usaping lumalakas ang puwersa ng mga ‘local terrorist’ na NPA sa mga kanayunan.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Esperon na pinalalakas ng Duterte administration intelligence monitoring sa mga kanayunan upang matukoy ang mga kinaroroonan ng mga NPA.
Paliwanag ng kalihim, sapat ang pondo ng pamahalaan upang tugunan ang mga pangangailangan para tiktikan ang mga galaw ng mga teroristang grupo na planong maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Giit ni Esperon, hindi magiging matagumpay ang kanilang mga programa kung walang suporta mula sa mamamayang Pilipino na makiisa sa mga adhikain ng Pangulo na magkaroon ng mapayapa at matiwasay na pamumuhay sa Pilipinas.