Pamilya ng 14 na nawawalang mangingisda sa Occidental Mindoro, inulan ng ayuda mula sa BFAR

Iba’t ibang tulong ang ipagkakaloob ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) sa pamilya ng labing-apat (14) na nawawalang mangingisda sa Occidental Mindoro.

Saku-sakong bigas at livelihood assistance ang ibibigay sa mga pamilya.

Bibigyan din sila ng BFAR ng 30-footer motorized fiberglass fishing boats na magagamit sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan.


Tiniyak din ng BFAR na tutulong din sila sa imbestigasyon at search and rescue efforts ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng lokal na pamahalaan ng Paluan sa Occidental Mindoro.

Opisyal nang naglabas ng pahayag ang BFAR kaugnay sa panibagong kaso ng banggaan ng Chinese cargo vessel at Pinoy fishing boat sa karagatan ng Occidental Mindoro noong linggo.

Inilabas na rin ng BFAR ang mga pangalan ng missing fishermen at crew ng fishing vessel F/V Liberty 5 na kinabibilangan nina:

Jose Magnes Alfonso (Captain)
Renante Dahon (Chief Mate)
Reynil Magura (Chief Engineer)
Miguel Booc III (Assistant Chief Engineer)
Joeffry Bantog at Jeerom Alaska, mga oiler.

Kabilang din ang mga mangingisda at pasahero na sina Michael Flores, Jayson Vigonte, Adrian Robert Amogod, Bartolome Oab Jr., Herbert Dalabajan, Reynald Riparip, Ariel Tabang at Eduardo Manipol Jr.

Facebook Comments