Pangasinan Futsal Team wagi sa SCUAA REGION 1

257

Wagi ang Pangasinan State University Pangasinan Futsal Team sa ginanap na State Colleges and Universities Athletic Association Region 1 sa Vigan City noong November 18-22 , 2017.

Ang Futsal o futbol de sala sa Europa ay isang indoor soccer na maliit ang palaruan at matataas ang iskor na maaring makuha. Anim na team ang kasama sa SCUUA na galing sa Ilocos Norte , Ilocos Sur , Candon City , Vigan City , La Union at Pangasinan.

Ayon kay Rizalyn Fernandez miyembro ng PSU Pangasinan Futsal Team lahat ng hardwork at sacrifices nila ay sulit. Chinallenge sila ng kanilang quotes na wala munang softdrinks at chichirya ng sa gayon maging kondisyon ang kanilang katawan sa nasabing laro.


Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagwagi sila sa SCUAA Futsal. Sila ang magiging representative sa SCUAA National Futsal sa Antique.

Photo credited to Rizalyn Fernandez

Facebook Comments