PANGASINAN, NAKIISA SA PINK LIGHTING PARA SA BREAST CANCER AWARENESS

Nakiisa ang Pangasinan sa kampanya para sa Breast Cancer Awareness Month sa pamamagitan ng pagpapailaw ng mga gusali at pampublikong lugar noong Huwebes, Oktubre 8.

Pinailawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng color pink ang Provincial Capitol Building at ang fountain.

Alinsunod ito sa P.I.N.K. o PCS–Inner Wheel Nagkakaisa sa Pagsugpo sa Kanser initiative.

Dumalo sa aktibidad ang Provincial Health Office, Philippine Society of Breast Surgeons, Philippine College of Surgeons, Surgical Oncology Society of the Philippines, mga pangulo ng Inner Wheel Club, at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Kaugnay nito, nakiisa rin ang ilang mall at paaralan sa Mayombo, Downtown Area, at Tapuac sa Dagupan City sa pamamagitan ng pagpapailaw ng kanilang mga gusali.

Ipinagdiriwang ang Breast Cancer Awareness Month tuwing Oktubre para palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa breast cancer, gayundin ang pagbibigay-suporta sa mga pasyente, survivor, at mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments