
Pormal na pinasinayaan at ipinagkaloob ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang sampung bagong PNP marked vehicles sa iba’t ibang municipal police stations sa isinagawang blessing at ceremonial turnover noong kahapon sa harap ng Admin Building ng Camp Gov. Antonio U. Sison.
Dinaluhan ang aktibidad ng provincial staff ng Pangasinan PPO at mga hepe ng sampung tumanggap na himpilan: Aguilar, Asingan, Binmaley, Infanta, Calasiao, Labrador, Manaoag, Rosales, Mangaldan, at San Nicolas.
Ayon kay Provincial Director PCOL Arbel C. Mercullo, magsisilbing “force multiplier” ang mga bagong sasakyan upang mapabilis ang pagtugon, mapalakas ang crime prevention, at mapanatili ang police visibility sa kani-kanilang nasasakupan.
Ipinahayag din niya na ang turnover ay patunay ng patuloy na pagtutok ng PNP sa seguridad at kaligtasan ng mga komunidad sa buong lalawigan.







