PANGMATAGALANG SOLUSYON SA BAHA, PINAG-AARALAN SA BASISTA

Tinutukan sa bayan ng Basista ang pagsasagawa ng Flood Control at Drainage Master Plan para sa problema sa pagbaha sa mga lugar na madalas maapektuhan sa bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, posible ang pagsasagawa ng reconnaissance survey at site visits ng mga technical consultant mula sa University of the Philippines Los Baños.

Sa ilalim nito, kumalap ang grupo ng mga datos sa kondisyon ng drainage canals, waterways, at iba pang apektadong lugar.

Bukod sa monitoring, kinausap rin ang mga residente sa mga lugar na labis na nakararanas ng pagbaha.

Gagamitin umano ang mga impormasyon sa pagbuo ng pangmatagalang solusyon sa mga komunidad mula sa paulit-ulit na pinsala ng pagbaha sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments