Friday, May 8, 2026

COMELEC, nagsasagawa na ng pagsisiyasat sa mga viral video ng umano’y vote buying ni batangas Rep. Leandro Leviste nuong nakalipas na eleksyon

Nakarating na sa Commission on Elections (COMELEC) ang viral video nang umano’y vote buying ni Batangas Rep. Leandro leviste.

Batay sa kumakalat na video, makikita si Leviste na nakatayo habang may hawak na pera at inaabutan ang mga nakapilang maraming bilang ng mga tao.

Sa isang hiwalay na video, sako-sakong bigas ang ipinamimigay mula sa tila kampaniya ni Leviste.

Sa mga impormasyon mula sa viral video, nangyari umano ito noong 2025 elections sa Nasugbu, Batangas

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaalam na nila ang eksaktong petsa ng nangyaring umano’y vote buying.

Gusto rin nilang malaman kung talagang nangyari ang nabanggit na mga video nuong nakalipas na eleksyon.

Sa ganitong paraan, malalaman nila kung kandidato na ba si Leviste nuong panahon na yun eleksyon.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, may kaakibat na parusang pagkakakulong at pagkadiskwalipika na tumakbo sa anumang posisyon ang sinumang politiko na mapapatunayang nasa likod ng vote buying.

Facebook Comments