Malaki ang itinaas ng inflation rate para sa bottom 30 percent na mga kabahayan sa Pilipinas noong Marso 2026, ayon sa pinakahuling datos Philippine Statistics Authority (PSA) kabilang na ang Pangasinan, kung saan tumaas ang inflation rate sa 3.0%.
Mataas ito kung ikukumpara sa 1.0% na naitalang inflation rate ng lalawigan noong buwan ng Pebrero.
Patuloy na nakaapekto ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin at serbisyo sa mga pamilyang kabilang sa bottom 30 percent income households sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa pinakahuling datos para buwan ng Marso.
Ayon sa datos, ang tatlong pangunahing grupo ng kalakal at serbisyo na may pinakamalaking ambag sa kabuuang inflation ay ang Restaurants and Accommodation Services na nasa 42.0%.
Pumangalawa ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 21.0 porsyentong bahagi, na sumasalamin sa mas mataas na gastos sa tirahan at mga pangunahing serbisyong pangtahanan tulad ng kuryente at tubig.
Pangatlo naman ang Transport na may 17.5 porsyentong ambag, na nagpapahiwatig ng epekto ng presyo ng pamasahe at gastos sa pagbiyahe sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente.
Patuloy namang minomonitor ang sitwasyon upang mabantayan ang epekto nito sa buying power ng mga residente, lalo na sa mga pinaka apektadong sektor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










