Isa sa mga magandang pagkaabalahan ng mga bata ngayong bakasyon ay ang makiisa sa mga iba’t ibang Free art Workshop na programa ng mga lokal na pamahalaan.
Sa San Carlos City, pormal nang inanunsyo ng City Library ang “Free Summer Art Workshop” ngayong buwan ng Mayo na kung saan maaaring makilahok ang mga batang may edad 4 hanggang 6 na taong gulang.
Ito ay gaganapin sa City Library kaya siguradong mag-e-enjoy ang mga bata sa learning ambience ng kanilang workshop.
Para sa mga magulang na interesadong i-enroll ang kanilang chikiting sa free workshop, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng San Carlos City Library.
Layunin nito na tulungan ang mga bata na ma-develop ang kanilang artistic skills, magkaroon ng new friends at hubugin ang talentong pagkamalikhain ng ating susunod na henerasyon! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








