Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na gawin ang lahat ng pagsisikap para mapanatili ang kapayapaan sa South China Sea.
Ayon sa Malakanyang, sa kanilang telephone summit, kinilala ng dalawang lider ang pangako ng isa’t isa na ipagpatuloy at palawigin ang diplomatikong pakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa kabila ng mga pagkakaiba sa pinag-aagawang teritoryo.
Muli ring pinagtibay ng dalawang pangulo ang sentralidad ng ASEAN at muling pinanindigan ang pangako na magdala ng kapayapaan, pag-unlad at kaunlaran sa rehiyon.
Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga talakayan at pagtatapos ng Code of Conduct sa South China Sea.
Bukod sa isyu sa South China Sea, tinalakay rin ng dalawang pangulo ang COVID-19 pandemic, bilateral trade, “Build, Build, Build” program ng Duterte administration, ang gulo sa pagitan ng Ukraine-Russian at climate change.t1212