Pangulong Duterte, hindi pa tiyak kung makakadalo sa inagurasyon sa Davao ng anak na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio

148

Kinumpirma ni acting Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan na wala pang impormasyon kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon sa Davao City ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ang inagurasyon ng incoming vice president ay itinakda sa June 19 sa Davao City para maging bahagi nito ang mga Davaoeño.

Una nang inihayag ng Commission on Election (COMELEC) na walang magiging paglabag kung magdadaos ng inagurasyon si Duterte-Carpio bago ang June 30 kung saan magtatapos ang termino ng incumbent officials.


Gayunman, nilinaw ng poll body na magiging epektibo ang pagsisimula ng termino ng batang Duterte sa June 30 ng tanghali.

Facebook Comments