Pangulong Duterte, tutulak mamayang gabi patungong Brunei

Manila, Philippines – Paalis mamayang gabi si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Brunei.

Kaugnay ito ng personal na imbitasyon sa kanya ni His Majesty Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam para sa Golden Jubilee Celebration ng Accession to the Throne ng Sultan.

Bago ang flight ng Pangulo, dumalo muna ito sa Change of Command Ceremony sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig.


Bukas, makikipagkita ang Pangulo kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah na susundan ng Royal Banquet Dinner.

Agad din na babalik ng Pilipinas Pangulong Duterte bukas ng gabi at madaling araw ng Sabado ito makakarating sa Davao.

Facebook Comments