Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na mapayapang bansa ang Pilipinas sa kanyang pagharap sa Philippine-Qatar Business Forum sa Doha

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapayapang bansa ang Pilipinas sa kanyang pagharap sa mga Qatari Investor sa Philippine-Qatar Business Forum sa Doha kagabi.

Sa kanyang talumpati, sinabi nitong wala nang problema sa mga rebelde dahil madali lamang silang kausapin.

Aniya, imperyalismo lamang ang dahilan ng lahat ng ito.


Dagdag pa nito, kasalukuyan nang ginagawan ng paraan ng kanyang Gabinete kung ano ang susunod nilang hakbang pangkapayapaan.

Sa huli, muling nag-alok ng military assistance ang Pangulo sa Qatar sa oras na mangangailangan ang mga ito.
Nation”

Facebook Comments