PANOORIN: 190-pound asong napagod sa pag-akyat sa bundok, binuhat pababa ng mga rescuer

Salt Lake County Sheriff's Search and Rescue photo via Facebook

To the rescue ang awtoridad sa isang aso na may bigat na 190 pounds o 86 kilograms matapos mapagod sa hiking sa Utah, US nitong Linggo.

Sumaklolo ang Salt Lake County Sheriff’s Search and Rescue Team sa 3-taon gulang na mastiff na umakyat sa Grandeur Peak kasama ang amo.

Ayon sa Facebook post ng team, may ilang tumawag na kapwa umaakyat din ng bundok noon para iulat ang sitwasyon ng asong si Floyd at amo nito na hindi makalusad.


Agad rumesponde ang team at umakyat sa nasabing bundok para masigurong makababa ang hiker at alaga nito bago pa man lumamig nang husto.

Inilagay sa stretcher at binuhat pababa ng mga rescuer ang “good boy” na si Floyd.

Kuwento ng kapatid ng amo ni Floyd, nagkamali ang dalawa ng dinaanan kaya mas napahaba ang lakaran kumpara sa pinlano nila.

Nagpapahinga naman na ang aso para sa mga susunod pang hiking!

Facebook Comments