PAO, nababagalan sa pag-usad ng dengvaxia cases

Dismayado ang Public Attorney’s Office (PAO) sa maraming delay na nangyayari bago madesisyunan ng korte ang Dengvaxia cases.

Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na kabilang sa mga dahilan ng mabagal na pag-usad ng mga kaso na may kinalaman sa Dengvaxia ang pagkuwestiyon sa Court of Appeals ng mga akusado sa pag-consolidate ng mga kaso.

Ayon kay Acosta, kung hindi naman pagsasamahin sa iisang korte ang mga kaso sa Dengvaxia ay lalo itong matatagalan bago madesisyunan.


Dismayado rin si Acosta sa pagpilit ng Deparment of Justice (DOJ) prosecutors na ihain sa manila Trail Court (MTC) ang mga kaso sa kabila ng utos ng Korte Suprema na isang family court sa Quezon City lamang ang dapat na maglitis sa Dengvaxia cases.

Sa kasalukuyan, kabuuang 157 na ang kriminal na kaso na nakasampa sa korte at 68 naman ang civil cases.

Ang kaso laban sa ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Depterment of Health (DOH) gayundin sa manufacturers at distributor ng Dengvaxia anti-dengue vaccine ay kasunod ng pagkamatay at pagkakasakit ng mga batang naturukan nito.

Facebook Comments