
Sisimulan na ng Pilipinas at Japan ang negosasyon para sa kasunduang magpapalakas sa palitan ng military information at depensa ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahalagang hakbang ito para mas higpitan ang seguridad sa dagat at palakasin ang pagtutulungan laban sa tumitinding tensyon sa rehiyon.
Kasabay nito, inanunsyo ni Japan Prime Minister Sanae Takaichi na magbibigay ang Japan ng warship sa Pilipinas, kabilang ang hanggang anim na Abukuma-class destroyer escort ships.
Kinumpirma rin ng magkabilang panig na palalawakin pa nila ang defense at weapons cooperation upang mapalakas ang seguridad at pagbabantay sa karagatan.
Sinabi rin ng Pangulo na palalawakin pa ng Pilipinas at Japan ang kooperasyon sa artificial intelligence, enerhiya, space development, agrikultura, at suplay ng mahahalagang produkto.
Suportado rin ng Japan ang kandidatura ng Pilipinas para sa puwesto sa United Nations Security Council (UNSC).










