Wednesday, May 27, 2026

Sen. Robin, nirekomendang sampahan ng obstruction of justice ng CIDG dahil sa pagtulong sa pagtakas ni Sen. Bato

COURTESY: Senate of the Philippines/Facebook

Nirekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng reklamong Obstruction of Justice kay Senator Robin Padilla at iba pang indibidwal na sangkot sa pagtakas kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa masusing imbestigasyon ng CIDG, sa kanilang konklusyon lumalabas na ang pagsakay ni Sen. Dela Rosa sa sasakyan ni Sen. Robin Padilla ay pinagplanuhan ng maigi para makalabas ng Senado noong May 14, 2026.

Bukod dito ay napagalaman din na may isa pang sasakyan na sumusunod sa sasakyan ni Senator Padilla , na nagsisilbing security escort at back up car.

Tiniyak naman ng CIDG na walang exception sa pagsasagawa nila ng legal na aksyon, imbestigasyon at pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments