Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit may alinlangan pa rin siyang magpasya sa pagtakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections ay dahil sa kawalan ng official function ng naturang posisyon.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban National Assembly, batid niya na marami ang nananawagan sa kanyang tumakbong pangalawang pangulo pero hindi niya alam kung ano ang mga gagawin niya kapag nanalo siya sa halalan.
Punto pa ni Pangulong Duterte, marami ang kailangang ayusin, lalo na ang kampanya laban sa ilegal na droga, korapsyon, kriminalidad, at insurhensya.
Iginiit niya na ang trabaho lamang ng vice president ay humalili sa pangulo sakaling bumaba ito sa pwesto o mamatay.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo sa pagkabise presidente sa 20202 elections.