PATAS NA PRESYO NG PETROLYO SA MGA GASOLINAHAN SA PANGASINAN, IPINAALALA

Nagpaalala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa lahat ng gasoline station sa lalawigan na mahigpit na sumunod sa ipinatutupad na “fair and reasonable fuel pricing” upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa labis na paniningil sa presyo ng petrolyo.


‎Ayon sa pahayag ng tanggapan, mahalagang masigurong patas at makatarungan ang presyo ng mga produktong petrolyo upang hindi lubos makawawa ang publiko.


‎Hinihikayat din ang agarang pagrereport sa mga gasoline station na magbebenta ng higit sa itinakdang regulasyon ng Department of Energy.


‎Maaaring makipag-ugnayan sa Consumer Welfare and Promotion Office sa numerong 02-88402267 o gamitin ang eGov PH app upang magsumite ng reklamo o hinaing kaugnay sa hindi patas na presyo ng gasolina. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments