PBA Legend Ramon Fernandez, itinalagang Officer-In-Charge ng Philippine Sports Commission

Itinalaga bilang Officer-In-Charge ng Philippine Sports Commission (PSC) si Philippine Basketball Association (PBA) Legend Ramon Fernandez.

Kasunod ito ng pansamantalang pagliban ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez dahil sa pagiging abala ito sa kaniyang asawang may sakit na diabetes.

Makikipagpulong naman kaagad si Fernandez sa kapwa commissioners nito na sina Celia Kiram, Charles Maxey at Engr. Arnold Agustin para maplantsa ang anumang proyekto.


Isa sa paghahandaan ng PSC ay ang pagtulong sa mga atletang sasabak sa Olympics.

Facebook Comments