PBBM, biyaheng Saudi Arabia sa October 19 para dumalo sa 1st ASEAN GCC Summit

Aalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa October 19 patungong Riyadh, Saudi Arabia at babalik agad sa bansa sa October 20.

Sa Press Briefing sa Malacañang, sinabi ni Office of ASEAN Affairs Asec. Daniel Espritu na dadalo lamang ang pangulo sa unang ASEAN Gulf Cooperation Council o GCC summit.

Sinabi ni Espiritu, darating ang pangulo sa Riyadh sa October 19 ng umaga at agad itong makikipagkita at kukumustahin ang Filipino Community.


Mayroong 2.2 milyong Pilipino sa Gulf, 700,000 rito ay nakatira sa Saudi Arabia.

Sa October 20 naman gagawin ang 1st ASEAN GCC ASEAN Summit sa Richmond hotel sa Riyadh.

Sinabi pa ni Asec. Espiritu, ang GCC summit ay maikli lamang dahil hindi na itinuloy ang ministerial meeting na karaniwang ginagawa sa mga ASEAN summit.

Aasahan namang magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo sa Saudi Arabia at Bahrain officials.

Posibleng mapag-usapan aniya sa bilateral meetings ay 54 na taong diplomatic relations ng Pilipinas sa Saudi Arabia at 48 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Bahrain.

Aasahan din ang business roundtable sa Arab businessmen at ministry of investment ng Saudi Arabia.

Facebook Comments