PBBM, hiniling sa Amerika na gamitin ang impluwensya para mapababa ang presyo ng langis

Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gobyerno ng Amerika na gamitin ang kanilang impluwensya para bumaba ang tumataas na presyo ng langis sa merkado na lubhang nakakaapekto sa mga negosyante at kabuhayan.

Ang panawagan na ito ng pangulo ay ginawa sa kaniyang intervention sa 10th ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Umapela rin ang pangulo sa Estados Unidos ng long term support para sa pagpapatupad ng ASEAN Plan of Action on Energy Cooperation.


Ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis dahil na rin sa supply disruptions sa harap ng ipinataw na sanctions ng Western na target ay ang ekonomiya ng Russia.

Ang giyera ay banta sa supply ng pagkain sa buong mundo at supply ng fertilizer o abono na nakakaapekto sa plano nang pangulong mapanatili ang food self -suffice ng bansa.

Sa isinagawa ring intervention ni Pangulong Marcos sa summit, hiniling nito kay US President Joe Biden na tumulong para labanan ang climate change upang maprotektahan ang kalikasan o kapaligiran na epekto ng pabago-bagong panahon.

Facebook Comments