PBBM, nakidalamhati sa pagpanaw ni Secretary Ople

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagdadalamhati ng buong bansa sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople.

Ayon sa pangulo, isang malaking kawalan sa bansa at sa serbisyo publiko ang kalihim.

Hindi lang aniya siya ang nawalan ng kaibigan kundi maging ang buong bansa.


Aminado rin si Pangulong Marcos na ikinagulat niya ang pangyayari.

Inilarawan ng pangulo si Secretary Ople bilang isang espesyal na kaibigan, mahusay, at may malasakit sa migrant workers, tulad ng kaniyang tatay na si dating Senador Blas Ople.

Nakakapanghinayang din para kay Pangulong Marcos dahil marami pa sanang serbisyong maihahatid sa publiko ni Secretary Ople.

Facebook Comments