Wednesday, November 18, 2026

Hidwaan sa karagatan, hindi hadlang sa pagtutulungan ng Pilipinas at China

Maninindigan ang Pilipinas sa soberanya at karapatang pandagat nito sa kabila ng maritime dispute sa China, pero bukas pa rin sa pakikipagtulungan sa mga larangang makabubuti sa bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz, malinaw ang paninindigan ng Pilipinas sa usaping pandagat, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at 2016 Arbitral Ruling.

Gayunman, sinabi niyang hindi hadlang ang hindi pagkakasundo ng dalawang bansa upang makipagtulungan sa kalakalan, imprastraktura, renewable energy, agrikultura at turismo.

Ito rin aniya ang patakarang isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.: ipagtanggol ang teritoryo ng bansa habang pinananatili ang matatag at produktibong relasyon sa China.

Giit ni FlorCruz, dapat maging pangunahing batayan sa anumang kooperasyon ang kapakanan ng Pilipinas at ng mamamayan nito.

Facebook Comments