
Nakipag-usap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan tungkol sa sitwasyon sa Gulf region.
Ayon sa Pangulo, nakikiisa ang Pilipinas sa mamamayan ng United Arab Emirates (UAE) sa gitna ng tensyon sa rehiyon.
Ipinahayag din ni Pangulong Marcos ang tiwala na kayang tiyakin ng pamahalaan ng UAE ang kaligtasan ng lahat ng residente, kabilang ang halos isang milyong Pilipino na naninirahan doon.
Umaasa rin ang Pangulo na matatapos na ang tensyon at babalik sa normal ang sitwasyon sa rehiyon.
Facebook Comments










