PBBM, nakipagpulong sa mga opisyal ng World Bank sa Amerika

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga opisyal ng World Bank sa Amerika.

Sideline meeting ito ni Pangulong Marcos na dumadalo ngayon sa 77th United Nations General Assembly sa New York.

Sinabi ng pangulo, naging karamay ng Pilipinas ang World Bank sa mga panahon na sinubok ang bansa.


Halimbawa na ang pagbibigay ng mga resources, linkages, at partnerships para sa social, economic at environmental initiatives.

Nagsimula aniya ang ugnayan ng Pilipinas at World Bank simula noong 1945.

Ayon sa pangulo, nagpapasalamat at ipinagmamalaki ng Pilipinas na makatuwang ang World Bank para patuloy na mabigyan ng magandang buhay ang bawat Pilipino.

Facebook Comments