Mga miyembro ng Maginhawa Food Community, humingi ng tulong sa QC LGU

71

Dumulog ang mga may-ari ng restaurant sa Maginhawa Street sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon hinggil sa isyu ng clearing operation ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang mga nasabing indibidwal ay pawang mga miyembro ng Maginhawa Food Community.

Imilahad ng grupo ang ilan sa mga suliranin na kinakaharap nila sa lugar kung saan dahil sa masabing operasyon ng MMDA ay naapektuhan ang kanilang negosyo.


Nabatid na karamihan sa mga customer ng mga restaurant sa Maginhawa Street ay nagda-dalawang isip dahil nahahatak ang kanilang mga sasakyan.

Nangako naman si Mayor Joy Belmonte na tutulungan ang Maginhawa Food Community na makipag-usap sa MMDA at mga barangay na nakakasakop sa lugar upang masolusyunan ang towing issues.

Papaigtingin din ng lokal na pamahalaan ang seguridad dito at tutulungan silang maisulong pa ang kanilang negosyo upang mas lalo pang umunlad.



Facebook Comments