Nagpahayag ng pakikiramay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pamilya ng mga biktima ng insidente sa Lapu Lapu Day Block Party sa Vancouver.

Nabatid na ilang tao ang nasawi at sugatan sa nasabing insidente matapos araruhin ng isang SUV driver ang mga tao sa Filipino street festival.

Ayon sa pangulo, nabigla aniya siya at nalungkot nang malaman ang balita tungkol sa malagim na insidente.

Kasunod nito, ipinag-utos na sa mga diplomat at staff ng bansa sa Vancouver na bigyan ng agarang tulong ang mga biktima.

Nakikipagtulungan na rin aniya ang Philippine Consulate General sa Canadian authorities para imbestigahan ang pangyayari.

Sinabi ng pangulo na kaisa ang sambayanang Pilipino ng mga pamilya ng biktima at ng Filipino community sa Vancouver sa panahon ng matinding pagsubok na ito.

Facebook Comments