Saturday, November 21, 2026

NBI Director Melvin Matibag, nakatanggap ng potus coin mula kay US President Donald Trump sa ASEAN Summit

Ibinahagi ni NBI Director Melvin Matibag na nagkaroon siya ng sandaling pag-uusap kay United States President Donald Trump nang bumisita ito sa bansa para sa ASEAN Summit.

Ipinakita ni Matibag ang POTUS coin o barya na mula mismo sa Presidente ng United States na may sagisag at selyo ng lider ng Amerika kung saan nakasaad ang pagkakakilanlan kay Trump bilang ika-45 at ika-47 na pangulo ng Estados Unidos.

Itinuturing naman itong simbolo ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng NBI at ng pamahalaan ng Estados Unidos pagdating sa pagpapatupad ng batas.

Ayon sa NBI chief, pinuri rin ni Trump ang kanyang pamumuno sa National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments