
Nagkaroon ng sandaling pag-uusap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping sa welcome dinner para sa mga lider ng APEC at kanilang mga asawa sa Shenzhen, China.
Ito ang una nilang personal na pagkikita mula nang dumalo sila sa APEC Summit sa South Korea noong 2025.
Kasama ni Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagtitipon. Nakiisa rin ang mag-asawa sa group photo kasama sina Xi at First Lady Peng Liyuan.
Una nang sinabi ni Marcos na bukas ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa China para sa mga pamumuhunan, habang pinangangalagaan ang pambansang interes ng bansa.
Binigyang-diin naman ni Xi ang kahalagahan ng kalakalan, inobasyon at pagtutulungan ng mga bansa sa Asia-Pacific.
Ito rin ang ilan sa mga pangunahing paksang tatalakayin sa APEC Economic Leaders’ Meeting ngayong araw.
Samantala, si US President Donald Trump naman ang personal na sinalubong ni Xi sa Shenzhen Bao’an International Airport sa kanyang pagdating sa China.
Si Trump ang nag-iisang lider na personal na sinalubong ni Xi sa paliparan.
Nagkita rin sa Shenzhen sina Xi, Trump at Russian President Vladimir Putin bago ang nakatakdang unang pormal na pagpupulong ng tatlong lider.










