Tuesday, March 3, 2026

PBBM, umaasang magkakaroon ng ceasefire sa Middle East

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad magdi-deklara ng ceasefire ang mga bansang sangkot sa tensyon sa Middle East.

Ayon sa pangulo, nais ng Pilipinas na matapos na ang sigalot at maibalik ang kapayapaan sa rehiyon upang maiwasan ang mas malawak na pinsala.

Pero wala aniyang kontrol dito ang bansa dahil nasa mga naglalabang panig ang desisyon para itigil ang putukan.

Kaisa rin ang Pilipinas sa panawagan ng international community na wakasan na ang kaguluhan sa lalong madaling panahon.

Samantala, tiniyak ng pangulo na patuloy ang hakbang ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong apektado ng tensyon, partikular sa mga lugar na may alitan sa pagitan ng Iran at Israel.

Facebook Comments